Pagpupuri sa Ama na ating diyos at sa ating Panginoong Jesus na ating dakilang tagapamagitan at tagapagligtas. Ang tagumpay ng buong Iglesia ay nagbuhat sa pag-ibig ng Ama na tumawag sa atin at nagbigay ng kahalalan. Ang lahat ng ito ay ating pinagpapasalamat sa kanya at inaalay natin ang lahat ng kapurihan sa Ama na ating diyos.
Sa mga wakas ng lupa at sa mga huling araw na ito. Alam natin na pabigat ng pabigat ang mga pagsubok sa atin. Pagkakasakit, paghihirap at mga kalamidad na palubha ng palubha habang ang mundo ay papunta sa kanyang kawakasan. Tulad ito ng buhay natin na sa paglipas ng panahon tayo’y manghihina at mamamatay. Ito ang katotohanan at alam natin na hindi natin kayang iwasan. Ngunit hindi dapat natin ito ipangamba o ikatakot man sa halip ay dapat natin itong ikagalak. Sapagkat ang kawakasan ay ang pasimula ng ating bagong buhay, ang buhay na walang hanggan.
Habang papahirap ng papahirap ang mga pagsubok. Gamitin natin ito upang ipakita natin sa ating Ama na karapat-dapat nga tayo sa kanya. Tinawag niya tayo upang ipakita sa buong mundo ang kanyang kadakilaan at kagandahang loob. Upang malaman ng buong sanlibutan na tayong mga hamak ang pinakadakila, na tayong mga mangmang ang pinaka-matalino at tayong hindi pinahahalagahan ang pinaka-mahalaga sa lahat. Ipakita natin sa Ama ang tunay na pagpapahalaga natin sa kanyang mga kaloob sa pamamagitan ng pamamahagi nito sa iba. Ito’y biyaya sa atin na dapat lamang nating ipamahagi.
Sa ating pagsulong hangang sa ika-100 ng Iglesia batid natin na mas titindi pa ang hamon sa bawat isa sa atin, ngunit ang kanyang mga biyaya at pagpapala ay aapaw sa lahat ng magpapatuloy at susulong. Ang Iglesia ay uunlad at tayong mga hinirang niya ay palalakasin. Gamitin natin ang ating buong lakas sa patuloy na pagpupuri at pagtupad ng ating mga tungkulin. Magpakatatag at magtiis tayo mga kapatid. Sama-sama nating kayanin ang bigat sa mundo. Sama-sama tayong sumulong. Sama-sama nating salubungin ang wakas at ang ating dakilang tagapagligtas.
Mapalad Tayo! Tunay na Mapalad Tayong Lahat na mga hinirang niya. Ito ang dapat nating itanim sa ating puso. Sa kabila ng dagsang kahirapan sa mundo, pagkagutom at pagkakasakit, tayo’y hindi nag-iisa. Meron tayong Ama, ang tunay na Diyos na lumalang sa lahat, ang laging handang sumaklolo at magligtas sa bawat isa sa atin.
Purihin ang Ama! Ngayon at magpakailanman. Amen.
~ To all my brother’s and sisters all over the world, we may not know each other very well but we are ONE in faith and in heart. We’re just ONE in the eyes of our father as we all know that we’re part of ONE body. We fall and together we stand! Don’t ever give up and just hold on to our faith and be brave. For we know that we’re not alone.
Happy 97th Anniversary (^^,)~...
No comments:
Post a Comment